Thursday, June 08, 2006
Maraming bagay ang mas naapreciate ko na ngayon. ewan ko ba, matured na nga siguro ako.
isip bata nga minsan, pero pagnag-iisa na at kinakausap ko na si Lord sa dasal, marami raming bagay din akong inaamin at kasalukuyang iniisip.
Mas naapreciate ko na ang buong pamilya namin, mas gusto ko na sabay sabay kaming kumakain at umaalis, mas gusto ko na kasama sila parati kesa sa mga friends, kasi kahit nag-aaway kami, ok lang, mas masaya kami eh. Lalo na kapag nandito si papa, mas gusto ko na aalis kami ng kami lang at walang asungot. gusto ko pagnagbobonding kaming pamilya.
Mas naapreciate ko na ang mga sermon ni mama, kahit araw araw pa yun at nakakabadtrip na kung paminsan. Alam ko naman na concerned lang siya at ayaw niya rin na mapahamak ako. Kahit hindi ako mashadong nagsshare ng problema, ok lang. Nanjan parin siya para makinig sakin.
Mas naapreciate ko na rin ang mga away namin ni kuya at ni jayson, kahit mga lalaki pa yan at madalas kaming magbugbugan at magsigawan, alam ko namang mahal nila ako at handa silang bantayan at ipagtanggol ako.
Mas naapreciate ko na ang friends ko ngayon, mapahighschool man,college at yung mga nameet ko sa gig, yg at sa internet. Lagi kasi kayong nanjan, pag-umiiyak ako, kahit para lang makinig sa walang kwenta kong mga kwento, anjan pa rin kayo, ready para damayan ako sa trip ko, ready ring makitawa sa mga corny kong jokes.
Mas naapreciate ko na rin ang mga problema ko sa buhay, yun kasi ang nagpapalakas sakin e, yun yung pinakachallenge of a lifetime ko, yun din ang nagbibigay daan para makipagbond sa mga mahal kong friends at family.
Mas nappreciate ko na ang blessings ni God sakin, kung dati, pabanjing-banjing lang, kailangan ng maging seryoso at ipagpasalamat ang araw-araw na nakikita ko ang maliwanag na umaga, hindi man ako nagsisimba at kahit mejo madalang nadin magdasal, alam kong anjan parin siya para makinig sakin tuwing gabi.
Alam nyo, mahal ko kayong lahat, Ikaw, Oo ikaw, kaya tandaan mo, kahit anong mangyari, Mahal kita. Hindi ko man sabihin ng harap-harapan sayo o seryoso, yun na yun. Hindi naman habang panahon magkikita tayo eh.
Naliwanagan na yata ako sa buhay, dahil ba binasa ko ang tuesdays with morrie? hindi. Dahil Gusto ko, at gusto ko na ganito ako.
:)