About me

My Photo
Name:
Location: Parañaque, Philippines

ayoko na.. i quit, i quit, I QUIT!

Tag-board

You can add a tag-board here.
And you can see a list of tag-board that you can add Here

Credits

  Distributed by:
Template copyright :
V4NY ONLY TEMPLATES
Powered by :
Powered by Blogger
DAMNIT!
Wednesday, June 28, 2006
get ready to be broken raiza, I told you it was only a CYCLE. damnit!

shouldve found them in the first place, so i wouldnt be crazy. TANGINA talga.
iloff miggy chavez
Monday, June 26, 2006


OMG. He's so HOT kaya. hahaha :p
nothing beats an emo rocker just like him.
His band may sound like mychemicalromance, they rock! in their own way ofcourse. basta.
TSIKOSKEE
the best!

my stalker.
Friday, June 16, 2006
HAHA!

~~~dream on~~

;)
matured na ako
Thursday, June 08, 2006
Maraming bagay ang mas naapreciate ko na ngayon. ewan ko ba, matured na nga siguro ako.
isip bata nga minsan, pero pagnag-iisa na at kinakausap ko na si Lord sa dasal, marami raming bagay din akong inaamin at kasalukuyang iniisip.

Mas naapreciate ko na ang buong pamilya namin, mas gusto ko na sabay sabay kaming kumakain at umaalis, mas gusto ko na kasama sila parati kesa sa mga friends, kasi kahit nag-aaway kami, ok lang, mas masaya kami eh. Lalo na kapag nandito si papa, mas gusto ko na aalis kami ng kami lang at walang asungot. gusto ko pagnagbobonding kaming pamilya.

Mas naapreciate ko na ang mga sermon ni mama, kahit araw araw pa yun at nakakabadtrip na kung paminsan. Alam ko naman na concerned lang siya at ayaw niya rin na mapahamak ako. Kahit hindi ako mashadong nagsshare ng problema, ok lang. Nanjan parin siya para makinig sakin.

Mas naapreciate ko na rin ang mga away namin ni kuya at ni jayson, kahit mga lalaki pa yan at madalas kaming magbugbugan at magsigawan, alam ko namang mahal nila ako at handa silang bantayan at ipagtanggol ako.

Mas naapreciate ko na ang friends ko ngayon, mapahighschool man,college at yung mga nameet ko sa gig, yg at sa internet. Lagi kasi kayong nanjan, pag-umiiyak ako, kahit para lang makinig sa walang kwenta kong mga kwento, anjan pa rin kayo, ready para damayan ako sa trip ko, ready ring makitawa sa mga corny kong jokes.

Mas naapreciate ko na rin ang mga problema ko sa buhay, yun kasi ang nagpapalakas sakin e, yun yung pinakachallenge of a lifetime ko, yun din ang nagbibigay daan para makipagbond sa mga mahal kong friends at family.

Mas nappreciate ko na ang blessings ni God sakin, kung dati, pabanjing-banjing lang, kailangan ng maging seryoso at ipagpasalamat ang araw-araw na nakikita ko ang maliwanag na umaga, hindi man ako nagsisimba at kahit mejo madalang nadin magdasal, alam kong anjan parin siya para makinig sakin tuwing gabi.

Alam nyo, mahal ko kayong lahat, Ikaw, Oo ikaw, kaya tandaan mo, kahit anong mangyari, Mahal kita. Hindi ko man sabihin ng harap-harapan sayo o seryoso, yun na yun. Hindi naman habang panahon magkikita tayo eh.

Naliwanagan na yata ako sa buhay, dahil ba binasa ko ang tuesdays with morrie? hindi. Dahil Gusto ko, at gusto ko na ganito ako.

:)
i want
Wednesday, June 07, 2006
dalawang tao na ang kinaiinggitan ko ng sobra. :c

sa paanong paraan nga naman ako makikibond kung hindi ako umaalis ng bahay, kung hindi ako gumagastos at nagiipon ng pera para makapunta sa gusto kong puntahan. nakakaasar. nakakainggit.

naiingit ako sa mga taong hindi nagaaksaya ng panahon pero nagaaksaya ng pera para lang makasama ang gusto nilang makasama, samantalang ako, nagpapakabum at eto, nagpapalipas ng oras, nagbubuntong- hininga lang, at naiinggit sa mga nangyayari sa mga buhay buhay nila. Pag dumating naman ang pagkakataon, nakukuntento lang sa pagsamasama. nakakaasar talaga.

gusto ko ring maging ganon, pero sa paanong paraan? tulungan niyo naman ako. ayoko ng feeling na naiinggit kasi masama rin yun e, puro nalang "sana" ang naiisip ko, lagi nalang "para ano pa" at "sayang". sayang talaga! bakit pa kasi wala akong kaadve-adventure sa buhay. bakit ba kasi mas gusto ang ganito nalang, nagaantay nalang parati. ayoko ng ganun! mas gusto ko ang adventures! gusto ko,

GUSTO KO!!!!!!!!!!
constantine
Thursday, June 01, 2006
nanood kami ng CONSTANTINE kanina. kaya ko pinili yun kasi

1. gwapo si KEANU REEVES

2. Naintriga ako kay GABRIEL (kasi dun sa unang part na napanood ko yun, sabi ni john, Half-breed)

3. pinoy kasi yung demon na sumapi dun sa unang girl na napossess.


so ayun nga, naaliw ako sa line ni keanu na "my name's John, John Constantine asshole" hehe :p

anyway, may narealize ako sa movie na yun, dinescribe ang hell, nakakatakot talaga. At kaya pala may heaven at hell, balang araw, ijujugde ang mundo kung saan nga ba dapat mapunta ang mga nag-iinherit dito. ngiyay! :s at tska yung exorcism... katakot! si gabriel ang kontrabida dun sa movie, para bang siya pa yung gustong palabasin si mammon sa mundo!! ngiyay! at ang mga nagsusuicide, automatically sa hell napupunta!

at tama nga naman ang expression na "God has plans for all of us" oo nga, tayo ang gumagawa ng sarili nating destiny, pero kailangan parin ng faith at believe sa kanya. Yung mga predictions, pede naman daw pigilan yun e, magdasal lang :)

I know the movie's a fiction, pero nakakainitiate ng fear eh. Lalo na ngayon na halos kaunti nalang ang sumasamba sa KANYA.


haaaaayyy. natatakot ako. ayoko sa hell.