may isshare akong isang matinding fact.
Bago ako maging rocker, alam niyo bang naaddict din ako sa mga normal na musika noon? ang tinutukoy kong normal noon ay ang boybands at ang girlbands. Halimbawa nalang Spice Girls, Hanson at 5ive. Bago pa sila maghiwahiwalay, isa ako sa mga humihiyaw na fans nila! bwiset. at talagang may TAPE pa ako ng mga yan(malamang, sosyal lang may cd noon e) so ayun nga, talagang pinakikinggan ko ang musika ng mga yan, bumibili ng posters, songhits at kung ano anong merchandise. (tae ngayong inaalala ko parang gusto ko tuloy masuka sa pinagagawa ko.)
Nakakahiya mang aminin, eh ganon talaga. Pati ang pag-aaway ng Backstreet Boys at N*sync noon ay talagang inaabangan ko! dumating din ang Moffatts na lalong kinaadikan ko, lalo na nung nag-aarive si Britney Spears sa eksena! huwalangya. Grade four ako nyan.
Eh pagdating ng grade six, british boybands naman! tae! A1! Ang pogi pogi ng arrive ni Ben Adams, Pati ng Westlife! Sumunod ang Blue at kung ano ano pang naglitawan na british boybands! nakakaasar!
Ang sobrang kinaadikan ko lang talaga ay ang A1, eh kasi, cute na cute ako kay Ben at kay Paul, talagang kumpleto ko ang collection nyan! Iniyakan ko pa nga yung pagpunta nila dito sa pilipinas ng hindi ko man lang nabalitaan!(oo alam ko OA) kahit sa tv hindi ko man lang nasilayan! (shyet.. OA!) bwiset.
Hanggang sa mauso si Bamboo at Rivermaya.. ayun! nagshift na ang tenga ko sa mga pinakikinggan ko, nakakahiya nga naman, ang jologs na tignan kung boybands parin. shempre rock na uso e!haha :p So ngayon, Pinoy Rock, Foreign Rock at emo na pinakikinggan ko.
Ngunit Inaamin ko, nakikinig parin ako sa musika ng mga boybands na yan, nakakamiss din no! pinanood ko parin ang mga cute na cute na video nila! lalo na ng A1 at moffatts!
Ok. Tama na. Nahihiya na ako sa pinagsasabi ko.